Biyahe ng mga sasakyan pandagat sa ilang bahagi ng Bicol Region, suspendido pa rin —PCG

 

Hindi pa rin pinapayagan ang paglalayag ng anomang uri ng sasakyan pandagat sa ilang bahagi ng Bicol Region.

Partikular sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Sorsogon.

Sa abiso ng Coast Guard District, naglabas ng kani-kanilang anunsyo ang mga Coast Guard Station para sa pagsususpinde ng biyahe dahil sa pagtataas ng babala sa bagyo ng PAGASA.


Kasama rin sa mga walang biyahe ang Prieto Diaz, Sorsogon City at Gubat, Sorsogon.

Maging ang biyahe ng sasakyang pandagat sa Caramoan, Presentacion, Goa, Tinambac, Calabanga at ibang bahagi sa Camarines Sur ay bawal pa rin bumiyahe.

Sa abiso pa ng PCG, pinapayuhan ang ibang mga sasakyang pandagat na maging ligtas at magtungo sa mga sheltering areas.

Facebook Comments