Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde muna ng PCG

Suspendido muna ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte at Southern Leyte.

Sa inilabas na advisory ng Phillipine Coast Guard (PCG), pansamantala munang hindi papayagan ang biyahe ng lahat ng mga sasakyang pandagat sa mga nabanggit na ligar bilang pag-iingat sa posibleng aksidente sa karagatan.

Agad naman daw papayagang maglayag ang mga ito sakaling gumanda ang panahon at ang kondisyon ng dagat.


Ayon sa PCG, maaaring dumaong lamang ang mga barko basta’t may written request at walang pasahero ang nakasakay.

Facebook Comments