Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na apektado ng bagyo, sinuspinde na

Sinuspinde na ng PHilippine Coast Guard (PCG) ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa mga lalawigan na nasa signal number 1 dahil sa bagyong Ursula.

Partikular na naka-alerto ngayon ang mga tauhan ng Coast Guard sa Sorsogon, Masbate, Samar Island, Leyte, Southern Leyte, northern at eastern Cebu, gayundin ang Bohol, Dinagat Islands, at Surigao Del Norte.

Muling ipinaalala ng Coast Guard sa mga shipping companies at sa mga operator ng mga bangka o anomang uri ng sasakyang pandagat ang mahigpit nilang kautusan na nagbabawal sa lahat ng sasakyang pandagat na pumalaot kapag itinaas na ang PAGASA ang Signal no. 1.


Mahigpit din ang bilin ng Coast Guard sa kanilang mga mga personnel sa mga pier na ipatupad ang mahigpit na inspeksyon sa lahat ng mga bahage at bilang ng mga pasaherong sasampa ng barko upang maiwasan ang overloading.

Tiniyak din ng Coast Guard na naka-standby ang kanilang mga quick response team para sumaklolo sakaling magkaroon ng aberya sa laot.

Facebook Comments