Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard o PCG na pinapayagan na nila ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa mga malalapit na ruta.
Partikular ang mga ruta patungong Calapan, Puerto Galera at iba pang mga lugar na malapit sa Batangas.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo, patuloy naman nilang ina-assess kung papayagan na ang paglalayag ng mga barko patungong Romblon at Caticlan.
Patuloy na rin anyang nababawasan ang bilang ng mga stranded na pasahero sa ilang mga pantalan sa mga lalawigang dinaanan ng bagyo.
Partikular sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, at Bicol.
Facebook Comments