Sinuspinde na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Sorsogon ang lahat ng biyahe ng mga sasakyan pandagat doon.
Ito ay matapos na itaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Bureau sa Signal Number 1 ang ilang bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa Bagyong Paeng.
Ayon kay Sorsogon Coast Guard Commander Christian Jazmin, epektibo kaninang tanghali, ipinagbawal na nila ang paglalayag ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat.
Mananatili aniyang suspendido ang biyahe hangga’t hindi inaalis ng PAGASA Weather Bureau ang Storm Warning Signal.
Dahil dito, stranded na ngayon sa Matnog Port ang ilang pasahero at mga sasakyang pandagat.
Facebook Comments