Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Zamboanga, Sulu, at Tawi-tawi, suspendido na!

Supendido ngayong araw ang mga biyahe ng sasakyang pandagat sa Zamboanga, Sulu, at Tawi-tawi.

Ayon sa Philippine Ports Authrority (PPA), epektibo ang suspensyon ng biyahe simula kaninang alas-10:30 ng umaga dahil sa masamang lagay ng dagat na dulot ng Low Pressure Area (LPA) sa lugar.

Partikular na apektado ang mga rutang Zamboanga-Tawi-tawi at Sulu-Tawi-tawi.


Pinayuhan din ng PPA ang publiko na huwag na munang magtungo sa mga pantalan at sa halip ay maghintay na lamang ng abiso.

Facebook Comments