Mananatili sa 70 percent ang capacity ang biyahe ng mga tren kahit nasa alert level 3 ang Metro Manila.
Ayon sa Department of Transportation, mas maghihigpit lamang sila sa pagpapatupad ng health protocols upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
Kasunod nito, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na nasa kamay na ng Inter-Agency Task Force kung magkakaroon ng pagbabago sa passenger capacity ng mga tren.
Habang magpapatupad din ng random antigen testing sa mga papayag at magvo-volunteer na pasahero.
Facebook Comments