Biyahe ng mga tren ng MRT-3, maagang magtatapos ngayong bisperas ng pagsalubong sa Bagong Taon

Pinaaga ng Metro Rail Transit Line 3 ang huling biyahe ng kanilang mga tren ngayong bisperas ng Bagong Taon.

Sa abiso ng MRT-3, alas-7:45 na ng gabi ang huling biyahe ng tren na galing ng North Avenue station.

Bandang alas-8:25 naman ng gabi ang last train na galing sa Taft Avenue station.


Inaasahan na kasing may malaking kabawasan sa bilang ng mga sumasakay sa mga tren ngayon at upang mabigyan ng sapat na oras na makapiling naman ng mga station at security personnel ang kanilang mga pamilya sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Sa ngayon ay may 20 tren ang operational sa mainline at may headway o apat na minutong pag-aantay sa pagdating ng susunod na tren.

Facebook Comments