Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na hindi pa nila ipinatutupad ang bagong patakaran na gawing point to point ang pagsasakay ng mga UV Express.
Ayon kay MMDA Special Traffic and Transport Zone head Bong Nebrija, noong Biyernes lang nila natanggap ang bagong patakaran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sa terminal lang magbababa at magsasakay ng pasahero ang mga UV Express.
Aniya, kailangan pa nila itong ipaalam ng mabuti sa kanilang mga enforces para maayos na maipatupad.
Paliwanag naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, taong 2005 pa ang utos na terminal to terminal lang ang mga UV Express kaya hindi na dapat ito bago sa mga driver.
Inaayos na aniya nila ang ruta ng mga pampublikong sasakyan.
Aabot naman sa P5,000 hanggang P9,000 ang multa ng mga lalabag sa ruta.