Biyahe ng MRT-3 bus augmentation, tuwing alas-4:00 ng umaga na magsisimula – DOTR

28

Maaga nang aarangkada ang bus augmentation ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.

Ito ay matapos ipag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng MRT na simulan ang pagbiyahe ng mga bus ng alas-4:00 ng umaga.


Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Communications Godess Hope Libiran, maraming pasahero ang humihiling na paagahin ang biyahe ng mga bus lalo na at suspendido pa rin ang operasyon ng mga tren.

Sinabi ni Libiran na mahigpit na bilin ni Tugade na magkaroon ng tatlong minutong regular dispatch system ng mga bus.

Layunin aniya nito na mapaikli ang pila ng mga pasahero sa mga istasyon lalo na tuwing rush hour.

Ang MRT-3 operations ay mananatiling suspendido hanggang Sabado, July 11.

Facebook Comments