Biyahe ng Pasig Ferry, hindi muna makadadaan sa malapit sa Malacañang area

Manila, Philippines – Paalala para sa mga pasahero ng Pasig ferry, hindi muna makakadaan malapit sa MalacaƱang area sa Maynila ang mga ferry na bumabiyahe sa ilog Pasig.

Kasunod na rin ito ng nangyaring shooting at fire incident sa Resorts World Manila kung saan 37 ang patay habang higit 50 ang sugatan.

Sa abiso ng MMDA – ang tanging bukas lang sa mga pasahero ay ang ferry service na may biyaheng mula Polytechnic University of the Philippines hanggang Pinagbuhatan station.


Una nang nagtaas ng red alert sa paligid ng MalacaƱang dahil sa insidente.
DZXL558

Facebook Comments