Inaasahang dadami na ang mai-aalok na biyahe ng Philippine National Railways (PNR) sa mga pasahero nito.
Ito’y matapos umarangkada na ang mga bagong tren ng PNR na galing Indonesia.
Ayon sa Dept. of Transportation (DOTr), nasa 18 hanggang 20 biyahe ang madadagdag kada araw.
Ang mga bagong tren ay may rutang mula tutuban sa Maynila patungong FTI sa Taguig, at Malabon hanggang FTI.
Ang anim na bagong bagon ay manufactured ng Indonesian Firm na (pt-inka), na kayang mag-accommodate ng 13,500 na pasahero, kung saan tataas ang total capacity ng PNR mula 60,000 patungong 73,500 pasahero kada araw.
Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, ang pagdating ng dalawang trainsets ay mas maaga sa itinakdang schedule nito na February 2020.
Ang anim na bagong bagon ay unang batch ng 37 railcars at tatlong locomotives na ide-deliver sa bansa sa susunod na taon.
Target ng PNR na doblehin ang capacity nito sa 140,000 passengers kada araw.