Nag-anunsyo ang Philippine National Railways (PNR) ng pansamantalang suspensyon ng biyahe ng mga tren, kasunod ng naranasang lindol partikular sa lalawigan ng Quezon, kagabi.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng PNR na ngayong araw September 22, 2022 na pansamantalang suspendido ang lahat ng biyahe ng mga tren sa mga sumusunod na ruta:
• Tutuban – Alabang at Alabang – Tutuban
• Tutuban – Gov. Pascual at Gov. Pascual – Tutuban
• Gov. Pascual – Bicutan at Bicutan – Gov. Pascual
• Lucena – San Pablo at San Pablo – Lucena
Nagkaroon naman ng kalituhan sa mga pasahero sa main station ng PNR sa Tutuban dahil huli na ng malaman nila na pansamantalang suspensyon ng biyahe.
Pero ayon kay Joseline Geronimo ng PNR, ‘certified passable’ na ng engineering department ang passenger train operations ibig sabihin wala naman nakitang problema pero kailangan pa rin ipatupad ang precautionary measures.
Pinapayuhan naman ng PNR ang mga pasahero na manatiling nakaantabay para sa mga karagdagang anunsyo habang ngpapasalamat naman sila sa pang-unawa ng publiko.