Biyahe ng Roll-On-Roll-Off mula Davao City hanggang Bitung, Indonesia, pormal nang inilunsad

  • Manila, Philippines – Pormal nang inilunsad ang biyahe ng Roll-On-Roll-Off (RO-RO) mula Davao City hanggang Bitung,Indonesia.
    Unang maglalayag para sanasabing ruta ang MV Super Shuttle Roll-On-Roll-Off Ferry Service ng Asian Marine Transport System.
    Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, malaki ang maitutulong ng ferry service para mapabilis ang pagbibiyahe ng mga produkto mula sa Pilipinas papuntang Indonesia.
    Sa ngayon kasi, aabutin ng limang linggo bago makapagpadala ng mga produkto sa Indonesia.
    Pero sa pamamagitan ng Davao-Gensan-Bitung ferry service, aabutin na lang ito ng dalawa o tatlong araw.
Facebook Comments