Biyahe ni PBBM sa Amerika, nakakuha ng $3.9 bilyong investment pledges

Halos $4 bilyon ang nakuhang investment pledges ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa naging biyahe nito sa New York City sa Estados Unidos.

Inihayag ito ng Palasyo ng Malakanyang kung saan ang investment pledges ay makapagbibigay ng potential employment na aabot sa 112,285 jobs.

Ang investment ay nagmula sa iba’t ibang sektor katulad ng Information Technology at Business Process Management (IT-BPM), data centers at manufacturing.


Hindi naman kasama sa halagang ito ang future investments mula sa iba’t ibang kompanya na nasa trade department na nakausap ng pangulo habang nasa New York.

Nagpahayag aniya ang ilang kompanya ng interes na mag-invest sa Pilipinas pero hindi pa pinal ang kanilang plano.

Facebook Comments