Biyahe ni PBBM sa MIMAROPA, apektado ng masamang panahon

Apektado ng masamang lagay ng panahon ang biyahe at schedule ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw.

Nabatid na alas-10:00 nang umaga sana ngayong ay nasa Romblon State University sa Odiongan, Tamblas, Romblon ang pangulo para mamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng El Niño.

Pero hindi ito makakarating sa itinakdang oras dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan sa Romblon.


Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), posibleng dumiretso muna ngayon ang pangulo sa Puerto Princesa, Palawan.

Pinakikiramdaman din ng Malacañang kung ikakansela ang biyahe ng pangulo sa Romblon.

Sakali anilang hindi magbago ang sitwasyon, ay didiretso na lamang ang pangulo sa Piddig, Ilocos Norte para pasinayaan ang isang bagong rice processing center.

Facebook Comments