Biyahe sa Araneta City Bus Terminal naging matumal, higit 70,00 pasahero, naitalng bumiyahe ng Philippine Coast Guard

Matumal at kakaunti ang bumiyahe ngayong maghapon sa Araneta City Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

 

Hindi tulad noong nakaraang taon, halos lagpas lamang ng isang libo ang bumiyahe papauwi sa kanilang probinsiya.

 

Karamihan sa bumiyahe ngayong hapon ay papunta ng Bicol Region habang kaninang umaga naman ang biyahe patungong Visayas.


 

Inaasahan naman ng pamunuan ng bus terminal ang pagdagsa ng tao bukas ng madaling araw.

 

Samantala, umabot sa 79, 609 ang bilang ng mga pasahero na naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

 

16,470 ang bilang sa Western Visayas na sinundan ng Central Visayas na nasa 15,575  bilang.

 

Nasa 11,764 naman sa Southern Tagalog habang 8,002 sa Northern Mindanao; 5,019 sa Eastern Visayas at 4,361 sa Bicol Region.

 

Inaasahan naman ng Coast Guard na marami pa ang ba-biyahe ngayong hapon hanggang bukas ng umaga.

 

Patuloy din nakamonitor ang PCG sa pamamagitan ng Oplan biyaheng ayos: Undas 2019 katuwang ang DOTr malasakit help desk.

Facebook Comments