
Kanselado ang ilang biyahe sa iba’t ibang pantalan sa bansa ngayong tanghali.
Ito’y dahil pa rin sa masamang panahon na dulot ng Tropical Depression Wilma.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), sa NCR South, apektado ang biyahe ng MV May Lilies patungong Palawan at MV October Lavender na papuntang Coron. Habang sa NCR North naman, kanselado rin ang ruta ng MV 2GO Masinag mula Gensan, Davao, at Cebu.
Karamihan sa kanselasyon ay dulot ng no-sail policy ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga sariling abiso ng mga shipping lines para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Pinapayuhan naman ang mga biyahero na makipag-ugnayan sa kanilang shipping line para sa bagong schedule o advisory habang nananatili ang epekto ng Tropical Depression Wilma sa bansa.
Facebook Comments









