Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Benguet kung saan naitala ang pinakamadaming bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Christopher Bong Go, matapos malaman ng Pangulo ang nangyari ay agad itong nagdesisyon na pumunta ng Benguet.
Nais aniya ng punong ehekutibo na personal na makiramay sa pamilya ng mga nasawi at makita ang sitwasyon ng mga tao roon.
Mababatid na halos 40 katao ang nasawi sa pagguho ng lupa sa Cordillera Administrative Region.
Facebook Comments