Cauayan City, Isabela- Tatlumpu (30) minuto na lang ang kabuuang biyahe ng mga motorista mula Enrile, Cagayan patungo ng Sta. Maria, Isabela matapos makonkreto ang 14.25 na kilometro na Enrile-Sta. Maria provincial road sa ilalim ng administrasyon ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba.
Mismong si Mamba ang nanguna sa pagpapasinaya sa nasabing proyekto kamakailan kung saan unang natapos ang 4.268 kilometro na nagkakahalaga ng P42,321,435.54; sumunod ang 2.980 kilometro na pinondohan ng P29,952,326.09; 1.092 kilometro na may halagang P12,402,456, at rehabilitasyon ng slope protection na mayroong haba na 186 na metro na may halaga namang P5,219,875.62.
Ayon sa report ng Cagayan Provincial Information Office, matatapos na rin ngayong darating na Hulyo ang karagdagang 1.785.70 kilometro na may pondong P24,748 417.75 upang makumpleto nang makonkreto ang 14.25 kilometro na provincial road.
Facebook Comments