Jordan – Naniniwala si Philippine Ambassador to the Kingdom of Jordan Akmad Atlah Sakkam na isang malaking oportunidad para sa Pilipinas na palawakin pa ang trade at business relations nito sa Jordan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa harap na rin ng mahinang trade relations ng Pilipinas sa Jordan kung ikukumpara sa iba pang Middle Eastern countries.
Sa interview kay Sakkam ay sinabi nito na ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Jordan ay para makita ang potensiyal ng Jordan at para ipakita din ni Pangulong Duterte sa mga Jordanian businessmen ang potensiyal ng Pilipinas.
Inihalimbawa naman ni Sakkam ang posibilidad ng pag-export ng Pilipinas ng Halal food sa Jordan na maaaring maging pioneering investment concept na dapat kunin ng mga negosyante.
Maaari aniyang gumawa ng Halal food ang mga canned food manufacturers sa Pilipinas at ito aniya ay multi-billion dollar industry isang oportunidad sa mga negosyanteng Pilipino.
Ang susi lang niya ay dapat gumagalaw o nakipagpapalitan ng impormasyon ang dalawang bansa upang nabubuksan ang maraming business opportunities.