Inaasahang mapatitibay pa ang relasyon ng Pilipinas at China kasabay ng inaasahang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua – kinikilala ng dalawang bansa ang prinsipyo ng paggalang sa kanilang tradisyunal na pagkakaibigan, pagtaguyod ng kapayapaaan at katapatan at pagkakaroon ng win-win cooperation.
Dagdag pa ni Zhao – ang pagbisita ng kanilang pinuno sa bansa ay mas lalong patitingkarin ang golden age ng China-Philippine relations.
Binigyang diin din ng Chinese Ambassador ang tulong ng kanilang Pilipinas partikular sa ‘Ambisyonnatin 2040’ at sa ‘Build Build Build’ infrastructure program.
Ang state visit ni Chinese President Xi sa Pilipinas ay gaganapin mula November 20 at 21.
Ito ay magiging kauna-unahang state visit ng isang mataas na lider ng China sa bansa sa loob ng 13 taon.