Biyaheng Quezon Avenue Araneta Sta. Mesa, apektado na ng transport strike ng Piston

Manila, Philippines – Apektado na ng transport strike ng Piston ang biyaheng Quezon Avenue Araneta Sta. Mesa.

Ayon kay Renato Paguirigan President Tatatlon Jeepney Drivers, 100 percent na naparalisa nila ang biyahe dahil timigil na sa pagpasada ang kanilang miyembro.

Wala namang mga government vehicle na nag-iikot sa lugar upang magsakay ng libre sa mga apektadong pasahero.


Sinasamantala naman ito ng mga colorum na tricycle na sumisingil ng 50 hanggang 100 pesos sa mga stranded sa Araneta-Agno extension terminal.

Samantala, nasa 304 na stranded pasahero ang nabigyan ng libreng sakay n sa E Rodriguez at Baclaran-Sucat

Facebook Comments