Biyaherong may COVID-19 variant mula sa Pilipinas, natukoy sa Japan

May natukoy ang mga Japanese authorities na bagong kaso ng COVID-19 variant at ito ay mula sa isang biyahero mula sa Pilipinas.

Ayon sa Japanese National Institute of Infectious Disease, ang sample ay nakolekta mula sa isang biyahero galing ng Pilipinas noong February 25.

Ang variant ay naglalaman ng N501Y at E484K – ang dalawang mutations na na-detect sa Central Visayas noong nakaraang buwan.


Una nang sinabi ng Philippine Genome Center Executive Director Cynthia Saloma, ang N501Y mutation ay posibleng may konektado sa mabilis na transmission habang ang E484K ay maaaring resulta sa mababang vaccine efficacy.

Facebook Comments