Biyaherong nagpositibo sa COVID-19 UK variant sa Hong Kong, nagmula sa Cagayan – DOH

Galing ng Cagayan Valley ang 30-anyos na babaeng nagpositibo sa UK COVID-19 variant na nagtungo sa Hong Kong.

Batay sa report ng Hong Kong International Health Regulations National Focal Point and Local Centers for Health Development, umalis ang pasahero sa Cagayan Valley noong December 17.

Dumating siya sa Metro Manila noong December 18 at sumailalim sa quarantine alinsunod sa workplace protocols.


December 19, sumailalim ang babaeng pasahero sa RT-PCR test at naglabas ng negatibong resulta.

Dumating ang babaeng pasahero sa Hong Kong noong December 22 at sumailalim muli sa quarantine.

Sumalang siya sa panibagong swab test noong January 2 at dito na siya nagpositibo sa COVID-19 variant na unang nadiskubre sa United Kingdom.

Nasa maayos na kondisyon ang pasyente habang nasa isolation.

Nagsasagawa na ng contact tracing efforts para malaman ang iba pang pasaherong sakay ng flight na nakasama ang pasyente.

Facebook Comments