Biyenan, binuhusan ng asido saka sinilaban ang kanyang manugang

393

PAKISTAN – Lapnos at sugat sa katawan ang inabot ng isang babae matapos buhusan ng asido saka sinilaban ng buhay ng kanya mismong biyenan.

Sa report ng Nawabshah police, noong Hulyo 19 ay nag-iisa noon sa kanilang bahay ang biktimang si Samina.


Nang lumabas daw siya mula sa kanilang banyo ay bigla umano siyang binuhusan ng asido ng kanyang biyenan na babae.

Sinindihan daw siya nito ng apoy pagkatapos saka lumabas at pinagsigawan na sinunog niya raw ang kanyang sarili.

Noong una ay itinanggi pa umano siyang ipagamot at ikinulong sa kwarto kahit pa puno ng lapnos ang kanyang katawan dalawang araw matapos ang insidente.

Hanggang sa nagpalipat-lipat siya ng ospital at sa huli ay naisugod sa Karachi hospital para magpagamot.



Kasama niya ang kanyang dalawang kapatid na nag-aasikaso sa kanya.


Dahil sa nangyari ay inaresto ng awtoridad ang biyenan at mismong mister ng biktima dahil napag-alaman na matagal na umano siyang inaabuso at sinasaktan ng tatlo.

Facebook Comments