Biyuda ni Cong. Batocabe, papalit sa Mayoralty race sa Daraga, Albay

Albay – Itutuloy na ni Gertie Batocabe, ang biyuda ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, ang pagkandidato bilang Alkalde sa Daraga, Albay.

Ito ang kinumpirma sa isang panayam ng panganay na kapatid ng mambabatas na si Dennis Batocabe.

Pero aniya, maglalabas pa rin ng opisyal na pahayag si Gertie sa media.


Kung magkataon, makakatunggali niya sa posisyon sina incumbent Daraga Mayor Carlwyn Baldo na siyang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Batocabe, at si Incumbent Vice Mayor Victor Perete.

Matatandaang isinailalim sa COMELEC control ang Daraga dahil sa intense political rivalry sa lugar.

Facebook Comments