Biyuda ni Gov. Degamo, umapela sa Senado na magsagawa rin ng pagdinig hinggil sa karumal-dumal na pamamaslang sa kaniyang asawa

Nanawagan si Pamplona Mayor Janice Degamo, ang biyuda ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo sa Senado na magsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon in-aide of legislation upang makapagbalangkas ng mga batas para protektahan ang Local Chief Executives ng bansa.

Ginawa ng alkalde ang pahayag matapos itong humarap sa media kahapon sa ipinatawag na pulong balitaan ng Task Force Degamo sa Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Gng. Degamo sa pamamagitan kasi ng Senate inquiry, matatakot ang mga testigo na tumanggap ng suhol mula sa mastermind at kumpiyansa siyang makakadagdag ito ng pressure para madiin ang tunay na may sala.


Samantala, sinabi pa nito na kuntento sila sa ginagawang aksyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapabilis ang takbo ng kaso ng kanyang asawa at mapanagot ang tunay na utak sa krimen.

Facebook Comments