Biyuda, Patay sa Pamamaril sa Ramon, Isabela!

*Ramon, Isabela- *Patay ang isang biyuda matapos pagbabarilin ng riding in tandem criminals noong umaga ng April 21, 2019 partikular sa harap mismo ng kanyang bahay sa Brgy. Planas, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Linda Fidel, store keeper at residente ng Purok 3 Brgy. Planas, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang nasa harapan ng kanyang bahay ang biktima ay bigla na lamang dumating ang mga hindi pa matukoy na suspek at basta na lamang pinaputukan ng dalawang beses ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Agad namang umalis patungong Cordon, Isabela ang tatlong suspek na nakasuot ng itim na jacket at ball cap na sakay ng isang Honda TMX na motorsiklo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP Ramon hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments