Biyudo sa Jones Isabela, Nahaharap sa Kasong Rape!

Jones, Isabela – Bagsak sa kulungan kagabi ang isang biyudo matapos isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito sa Brgy. Tupax, Jones, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng Jones Police Station, ang akusado ay kinilalang si Roy Soriano Furuc, apatnapu’t dalawang taong gulang, isang magsasaka, at residente ng Brgy. Addalam, Jones, Isabela.

Aniya ang warrant of arrest ay na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague Isabela at walang nairekomendang piyansa para sa kaso ni Furuc.


Naganap umano ang panghahalay ni Furuc sa mismong pamangkin nito noong nakaraang taon.

Nasa kustodiya na ng Jones Police Station ang akusado at nakatakdang iharap sa korte ngayong araw.

Facebook Comments