BJMP Cauayan City, Inaasahang maging Drug Cleared ngayong 2019!

*Cauayan City, Isabela- *Inaasahan na tuluyan nang malinis sa droga ngayong 2019 ang buong pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan City sa mga nakatakdang isasagawa na drug testing sa pangunguna ng PDEA.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Jail Chief Inspector Romeo Villante ng BJMP Cauayan sa RMN Cauayan kung saan muling sasailalim sa Drug Test ngayong buwan ng Enero ang lahat ng mga empleyado at Persons Deprived of Liberty (PDL’s) ng naturang bilangguan.

Aniya, kinakailangang maging 100% na negatibo sa droga ang resulta na drug test ng mga empleyado habang kinakailangang nasa 20% naman sa mga PDL’s.


Matatandaan na noong September 2018 ay isinailalim sa Drug Test ang lahat ng mga empleyado at bilanggo ng BJMP Cauayan matapos itong magpositibo sa droga sa inilatag na ‘Oplan Greyhound’ ng mga otoridad.

Facebook Comments