BJMP Cauayan, Negatibo sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ ng PNP!

Cauayan City, Isabela- Negatibo sa mga kontrabando ang lahat ng selda ng Cauayan City District Jail sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ ng mga kapulisan kahapon.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Jane Abigail Bautista, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan, kada buwan aniya nila ito isinasagawa upang matiyak na walang mga bladed weapon o kontrabando ang nakapasok sa selda.

Bagama’t negatibo sa kontrabando o sa anumang ipinagbabawal na gamot at deadly weapon ang BJMP Cauayan ay may mga nakuha pa rin sa ilang mga ipinagbabawal gaya ng nail cutter at karayom.


Ayon pa kay P/Maj. Bautista, nitong mga nagdaang buwan ng kanilang pagsasagawa ng Oplan Galugad ay nag negatibo naman ang mga ito sa kontrabando maliban lamang sa ilang gamit gaya ng gunting at ballpen.

Dagdag pa niya, inirespeto pa rin nila ang karapatang pantao ng mga PDL’s habang isinasagawa ang paghahalughog.

Facebook Comments