BJMP DAGUPAN, NILINAW ANG ISYU NG UMANO’Y PAG-OVERFLOW NG KANILANG SEPTIC TANK

Nagbigay linaw ang Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) ng Dagupan City ukol sa balitang daing ng ilang residente tungkol sa umano’y pag-overflow ng kanilang septic tank.

Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Dagupan BJMP Jail Superintendent Lito Lam-Osen, maaaring napagkakamalan ng mga residente na mula sa septic tank ang tubig na dumadaloy palabas, subalit tubig lamang umano ito mula sa mga pinagliguan at pinaglabhan ng mga person deprived of liberty (PDLs).

Isa sa naging aksyon ng BJMP ay ang pagkonekta ng drainage sa drainage system ng barangay upang maayos ang daloy ng tubig.

Posibleng rin umano na ang hindi kaaya-ayang amoy na naaamoy ng mga residente, lalo na sa gabi, ay nagmumula sa mga inilalabas na basura at hindi sa kanilang septic tank.

Samantala, inaasahang mababawasan ang dami ng tubig na dumadaloy sa kanal sa pagpapatayo ng bagong piitan sa bayan ng San Fabian, kung saan kapag natapos ay dito ilalagay ang mga PDL na hindi naninirahan sa Dagupan City.

Facebook Comments