BJMP, ilalagay sa red alert status mula ng December 24 hanggang 26

 

Simula bukas, December 24 ay ilalagay na sa Red alert status ang buong Jail Management and Penology para matiyak ang seguridad sa lahat ng pasilidad sa buong bansa.

 

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, iiral ang red alert status hanggang December 26.

 

Sa pulong balitaan sa BJMP headquarters, sinabi ni Solda, kanselado muna ang bakasyon ng lahat ng field personnel sa may 476 na jail facilities sa buong bansa sa panahon ng kapaskuhan.


 

Layunin ng BJMP na matiyak na walang malayang escape incidents habang nagsasaya ang lahat.

 

Ang mga key officers ng BJMP naman ay inaasahan na mag-iikot at magsasagawa ng jail visitation upang matiyak na pagiigtingin ang seguridad at safety measures sa panahon ng kapaskuhan.

 

 

Mayroong 134,000  na Persons Deprived of Liberty  sa lahat ng jail facilities at tuwing pasko ay inaasahang madodoble ang bilang ng mga dadalaw.

Facebook Comments