BJMP, ituturing na ordinaryong kriminal si Pastor Apollo Quiboloy

Ituturing na ordinaryong kriminal si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang ipinalabas na pahayag ni JCSupt. Russel Clint Tangeres, Bureau of Jail Management and Penology National Capital Region (BJMP-NCR) Regional Director matapos ipag-utos ng Quezon City Regional Trial Court o QC-RTC branch 106 ang paglilipat kay Quiboloy at sa apat pa niyang kasamang akusado patungong QC jail mula sa PNP Detention Facility.

Mahigpit ang tagubilin ng BJMP-NCR sa QC jail wardens na walang VIP treatment kina Quiboloy.


Ipaiiral sa mga ito ang standard treatment na ibinibigay sa mga regular Person Deprived of Liberty (PDL).

Pinatitiyak din ng BJMP ang seguridad at kaligtasan ni Quiboloy at iba pang mga kasamahan.

Inatasan din ang mga tauhan ng QC jail na magpakita sa korte kung may valid court order.

Facebook Comments