
Kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera na ihihiwalay si dating Sen. Revilla sa kanyang mga kapwa-akusado sa ₱92. 8-M flood control anomaly sa Pandi, Bulacan.
Ayon kay Bustinera, ito mismo ang hiniling ng mga abogado ng apat na dating DPWH officials dahil maituturing umanong security risk ang dating senador.
Tiniyak din ni Bustinera na walang special treatment kay Revilla at sa iba pa niyang kapwa akusado.
Tugon ito ni Bustinera sa nag viral na video na makikitang walang posas ang dating senador habang nakaposas ang apat na dating Department of Public Works and Highways (DPWH) officials.
Aniya, inalis lang umano noon ang posas ni Revilla dahil nagpunta siya sa comfort room.
Inaasahang matatapos na sa Miyerkules ang medical quarantine ni Revilla at ng apat pang kapwa akusado.










