BJMP, kumpiyansang makakamit ang zero COVID sa jail facilities bago magtapos ang 2021

Target ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na gawing COVID free na ang lahat ng jail facilities bago matapos ang taong 2021.

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, nasa limampu na lamang ang bilang ng Persons Deprived of Liberty (PDL) na tinamaan ng COVID-19.

Mula ito sa 387 cases na naitala noong Abril.


Noong 2019, umabot sa 4,610 cases sa PDL ang naitala ng BJMP sa jail facilities.

Mula sa naturang bilang, 4,441 ang gumaling habang 50 PDL na may comorbidities ang nasawi.

Dagdag ni Solda, ang malaking pagbaba sa kaso ng COVID cases sa jail facilities ay dahil sa maigting na pagapapatupad ng health protocols ng Inter-Agency Task Force o IATF at sa agresibong vaccination activities.

Facebook Comments