BJMP, may bago nang OIC

May bago nang officer in charge ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Pormal nang nagsimula ngayong umaga sa kaniyang official duty si Jail Chief Superintendent Allan Iral.

Itinalaga ni Interior Secretary Eduardo Año kay General Iral  kasunod ng pagreretiro kahapon ni BJMP Director Deogracias Tapayan.


Si General Iral na graduate ng PNPA ‘Sandigan’ Class of 1995 ay ang pinaka-senior na heneral ng BJMP sa kasalukuyan.

Huling hinawakan niya ay ang posisyon sa ahensya ang pagiging deputy chief for administration.

Facebook Comments