BJMP, nagkasa ng simulation activity hinggil sa pagboboto ng mga PDL

Nagkasa ng simulation activity ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Manila City Jail hinggil sa pagboto ng mga Persons Deprive of Liberty (PDL).

Partikular sa Manila City Jail Male Dormitory kung saan kabilang sa mga nanguna dito ay sina BJMP Chief Jail Director Allan Iral at BJMP NCR Regional Director Jail Chief Superintendent Luisito Muñoz.

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Supt. Xavier Solda, nais nilang masiguro na magiging maayos at walang magiging problema ang mga PDLs mula sa pagpasok at pagboto sa mga itinalaga nilang special polling precinct sa pasilidad ng Manila City Jail.


Aniya, dito magkakaroon ng pagkakataon makaboto ang mga PDLs kung saan ang ibang PDL naman na boboto sa labas ng kanilang pasilidad ay mangangailangan ng court order kung saan magkakaroon sila ng special lanes habang nakabantay ang mga tauhan ng BJMP.

Sinabi pa ni Solda na sa kabuuan, 33,409 ang bilang ng mga botanteng PDLs kung saan 2,683 ang boboto sa labas mg kulungan sa darating na May 9.

Batay naman sa tala ng mga rehistradong botante sa Manila City Jail, nasa 85 ang mga PDLs na lalaki, habang 56 naman ang mga PDLs na babae na nakatakdang bumoto bukas.

Facebook Comments