BJMP, nakapagpalaya na ng 1,501 PDLs sa panahon ng pandemya

Nakapagpalaya na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng nasa 1,501 Persons Deprived of Liberty (PDL) simula nang naranasan ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, simula noong Marso ay nakapag-release sila ng mga vulnerable PDL, kung saan 560 ang matatanda, 909 ang may sakit at 32 ang mga buntis.

Batay sa rekomendasyon noon ng BJMP, abot sa 3,300 PDLs ang dapat na mapalaya.


Facebook Comments