Ipinagmalaki ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na tinapos nila ang 2018 na zero incident sa lahat ng mga jail facilities sa bansa sa selebrasyon ng holiday season.
Ayon kay Jail Director Deogracias Tapayan, walang naitalang hindi kanais-nais na pangyayari sa may 476 district at sa mga city and municipal jails hanggang sa naging pagsalubong sa New Year.
Malimit na dagsa ang buhos ng mga bumibisita sa mga jail facility sa bansa tuwing ganitong panahon.
Pinapurihan ni Tapayan ang mga BJMP personnel sa pagkansela ng kanilang bakasyon.
Bago ang holiday season, pinakalat ni Tapayan ang mga opisyales sa BJMP headquarters sa iba’t ibang rehiyon upang pangasiwaan ang mga security preparations.
Iniutos niya na dagdagan ang deployment ng mga personnel para higpitan ang seguridad sa paligid ng mga jail facilities.
Nagkaroon ng nga salo-salo sa ilang malaking jail facilities sa pakikipagtulungan na rin ng ilang mga mapagkawanggawang grupo.
Nag-inspection naman si NCR Regional Director Jail Chief Superintendent Ignacio Panti sa mga jail facility sa Bicol Region na hinagupit ni Typhoon Usman Bicol.