Isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay BJMP Spokesperson, Jail Chief Inspector Xavier Solda, ang nagpositibo nilang tauhan ay isang Babae at Paralegal Officer ng Quezon City Jail Male Dormitory.
Gayunman, nilinaw ni Solda na naka-work from home status na ang nasabing tauhan ng BJMP mula pa noong Marso a-21 bagama’t hindi idinetalye kung paano nito nakuha ang virus.
Napag-alaman na mayroon ding pre-existing conditions ang COVID-19 positive nilang tauhan tulad ng hika, hypertension at diabetes.
Kasunod nito, isinailalim nila sa strict home quarantine ang nasabing BJMP personnel at mahigpit na rin ang ginagawa nilang contact tracing para maisailalim din sa quarantine ang mga nakasalamuha nito.
Dahil dito, tiniyak ng BJMP na ginagawa nila ang lahat ng mga hakbang upang hindi mapasok ng Virus ang mga bilangguan sa buong bansa kaya’t nagpapatupad na sila rito ng total lockdown.