BJMP REGIONAL OFFICE 1, NAKIISA SA KAMPANYA LABAN SA KARAHASAN

Nakiisa ang mga kawani ng Regional Office 1 sa isang Motorcade Parade kahapon ika-28 ng Nobyembre bilang bahagi ng pagsisimula ng aktibidad na 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) na inilunsad ng Philippine Commission on Women (PCW).
Ang 18-day Campaign to end VAW ay inilunsad noong ika-25 ng Nobyembre at magtatapos sa ika-12 ng Disyembre ngayong taon. Batay sa datos na galing sa National Police (PNP), lumalabas na mayroon ng 12,000 na kaso ng Violence Against Women ang naitala noong nakaraang taon.
Samantala, sa kalahating taon ay mayroon ng 5,339 na bilang ng kaso ang naitala sa paglabag sa Violence Against Women.

Sa isang panayam sinabi ni PCW Executive Director Kristine Yuzon-Chaves, sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Violence Against Women, hindi umano ito dapat ipagsawalang bahala at kailangang maaksyunan kaagad.
Hinihikayat niya ang lahat na makiisa at mas paigtingin pa ang batas para dito upang maiwasan ang ganitong mga krimen.
Layunin ng nabanggit na aktibidad na ipaalam sa publiko na mayroong mga opisina sa gobyerno tulad ng Bureau of Jail Management and Penology na maari nilang malapitan at pagkatiwalaan na handang umalalay sa kanila upang makamit ang hustisya sa iba’t ibang uri ng gender-based violence.
Bukod sa Motorcade Parade, nagpamahagi rin ang mga kawani ng BJMP Rehiyon Uno ng mga leaflet tungkol sa kampanya. |ifmnews
Facebook Comments