SAN CARLOS, PANGASINAN – Panibagong mga establisyemento sa lungsod ng San Carlos ang ginawaran ng Safety Seal Certificate Awards mula sa DILG San Carlos City Inspection and Certification Team mula sa pagsunod ng mga ito sa health protocols.
Pinakauna ang Barangay Pagal sa nabigyan ng Certificate na maituturing umanong isang malaking karangalan sapagkat ito ang kauna-unahang barangay na nakatanggap ng naturang parangal mula sa 86 na barangay.
Pinarangalan din ang Bureau of Jail Management and Penology – San Carlos City ng Safety Seal Awards sa pagtitiyak na ligtas ang lugar.
Layunin ng programang pagbibigay ng safety seal ay upang mahikayat ang lahat ng establisyemento, mapa-gobyerno o pribado, na mag secure ng Safety Seal o certification bilang katibayan na ang mga ito ay sumusunod sa minimum public health standards.
Sa programa na ito, ang nakatakdang issuing and inspecting authority ay ang DILG, BFP, at PNP para sa government offices, at LGU Inspection Team (kasama ang DTI) para sa private establishments.
Sa ngayon, ang Safety Seal ay hindi pa mandatory. Ito rin ay libre o walang bayad.