Makatatanggap ng tulong ang mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.
Ito ang tiniyak ni Director Allan Iral kasunod ng pagdalaw niya sa jail facilities ng BJMP sa Surigao del Norte.
Tatlo sa labing dalawang jail facilities ng BJMP Caraga ang naapektuhan ng bagyo.
Nakatanggap naman ng groceries ang lahat ng 150 jail personnel sa Caraga Region.
Magbibigay ng cash assistance sa mga apektadong jail personnel mula sa iba’t ibang BJMP financial institutions.
Tatlong generators sets naman ang ibinigay ng BJMP multipurpose cooperative para sa BJMP Surigao
del Norte.
Pinapurihan ni Iral ang mga BJMP personnel doon sa pagtiyak sa seguridad ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.
Ani Iral, pinatunayan ng mga BJMP personnel sa Surigao at sa mga lugar na apektado ng bagyo ang kanilang malasakit sa PDLs at kahandaan sa kalamidad.
Aniya, batid niyanig mahirap para sa mga tauhan ng BJMP na unahin ang paghahanda sa kalamidadna habang naapektuhan ng kalamidad ang kanilang mga mahal sa buhay.