BJMP, tiniyak na walang ibibigay na special treatment sa mga executive ng Pharmally

Iginiit ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na walang special treatment at preferential attention na ibibigay para sa mga executive ng Pharmally.

Ayon kay BJMP Spokesman Chief Inspector Xavier Solda, pantay-pantay aang pagtrato ng BJMP sa lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDL) pati sa pagbibigay malasakit sa mga ito.

Kasunod nito, handa ang Pasay City Jail sa paglilipat sa kustodiya ng mga executive ng Pharmally.


Sa ngayon ay isang libong porsyento ang congestion rate ng Pasay City Jail na 1,104 na PDL.

Wala ring hiwalay na pasilidad ang Pasay City maliban na lang sa mga isolation facility na nakalaan para sa bagong pasok na PDL bilang bahagi ng health and security procedures.

Matapos ang sampu hanggang 14 na araw na isolation ay ililipat na ang mga PDL sa mga selda kasama ang iba pang mga preso.

Facebook Comments