BJMP, tiniyak na walang magiging VIP treatment sa mga kapwa-akusado ni Pastor Quiboloy sa paglilipat dito sa Pasig City Jail

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na nakahanda na ang piitan ng apat na co-accused sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy.

Iginiit din ni BJMP Spokesperson Jayrex Bustinera na walang magiging VIP treatment kina Jackielyn Roy, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes at Crisente Canada.

Makakasama aniya ng mga ito sa piitan ang ibang pang inmates.


Tiniyak naman ng BJMP ang kaligtasan ng apat na akusado.

Hindi rin daw magiging hadlang sa seguridad ng apat ang congestion o sobrang dami ng mga nakakulong sa Pasig City Jail.

Ayon pa kay Bustinera, sa ngayon 1,511 ang nakakulong na lalaki sa male dormitory ng Pasig City Jail na dapat ay 250 lang.

Ang isang selda aniya kasi ay may 30 PDLs na dapat ay 4 o 5 lamang.

Habang 138 na PDLs naman ang nakakulong sa female dormitory na ideal lang sa 28 PDLs.

Aminado rin ang opisyal na 500 percent congested ang Pasig City Jail.

Facebook Comments