BJMP, tinutugis na ang tumakas na inmate sa Antipolo City Jail

Nagpakalat na ng tracking teams ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para tugisin ang isang bilanggo na tumakas habang nasusunog ang Antipolo City Jail kagabi.

Ayon kay BJMP Spokeman Senior Inspector Xavier Solda, sinamantala umano ng inmate na si Michael Zymon Dig, ang pagiging abala ng mga bantay sa pag-apula ng sunog.

Nakakulong ang pugante dahil sa two counts ng kasong robbery.


Samantala, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan kagabi ang 84-anyos na inmate na may kasong rape matapos dumaing na nahirapang huminga habang nasusunog ang bilangguan.

Base sa ulat ni City Jail Warden Jail Superintendent Mirasol Vitor, ligtas naman ang kabuuang 1,471 inmates na mabilis naman silang nailipat ng mga jail officers.

Nangyari ang sunog alas 8 kagabi at ideneklarang fireout ng Bureau of Fire Protection (BFP) bandang alas 9 na ng gabi.

10 pang inmates ang nasugatan at isinugod din sa pagamutan ito ay dahil sa nangyaring stampede.

Bandang alas 12:30 na kaninang madaling araw ng ibalik sa kanilang selda ang mga inilikas na mga bilanggo.

Facebook Comments