Black box ng bumagsak na eroplano ng Ethiopian Airlines, narekober na

Photo Courtesy: AFP/Michael Twelde

Natagpuan na ang dalawang black box recorders ng bumagsak na eroplano ng Ethiopian Airlines na ikinamatay ng nasa 157 katao.

Malaki ang maitutulong ng mga blackbox para matagpi-tagpi ang mga nangyari sa huling sandali ng eroplano bago ito bumulusok.

Nilalaman ng blackbox ang cockpit voice recorder at digital flight data.


Kwento ng mga nakasaksi, sinusubukang lumipad ng eroplano pero nabigo ito.

Maraming papel at damit ang nagsisiliparan mula sa eroplano bago bumagsak.

Sinuspinde na ng China, Indonesia, South Africa at India ang mga eroplano na kaparehas ng bumagsak na airbus.

Facebook Comments