BLACK DOLLAR SCAM | Mga dayuhang sangkot, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga dayuhan na nambibiktima ng mga kapwa nila sa pamamagitan ng modus operandi na Black Dollar Scam.

Nakilala ang mga suspek na sina Leon Chambers at victor Benjamin Miendje (mga lider ng grupo) kasama ang mga kasabwat na sina Martin Indang, Ngawa Dako Brown, Mary Joseph at isang alyas Clinton na pawang mga Cameroon National.

Nasakote ang mga ito sa isang entrapment operation ng NBI-National Capital Region kasama ang mga operatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Makati.


Mismong ang mga nabiktima nito ang nagpatulong sa NBI para agad na madakip ang mga suspek matapos silang matangayan ng mahigit P1.2 milyon.

Modus ng mga suspek na kumbinsihin ang kapwa nila na mag-invest sa mga kemikal na kanilang gagamitin para sa paglilinis ng mga dollars na naka-deposito sa isang safety box.

Nakumpiska sa kanila ang mga kulay itim na papel, mga kemikal at pekeng dolyar.

Facebook Comments